LIHAM SA COKE “BAKIT WALA ANG PANGALAN KO SA COKE BOTTLE?”

Screen Shot 2014-07-25 at 4.36.59 PM

 

Isang magandang araw Coke!

 

Ako ay lumiham para ipahatid sa inyo ang aking hinaing, sama ng loob at isang di malilimutang istorya ukol sa isang programa na inilunsad nyo kamakailan lamang, ang “Share a Coke”.

 

Isang araw, nanunuod kami ng telebisyon at nakita ko ang patalatas ninyo at talaga namang naexcite ako. Ako ay isa sa inyong loyal customer.. Maliban sa tubig at Yakult… Coke lang ang iniinom ko. Sa kabila ng edad kong ito, ako parin ay kumukonsumo ng inyong produkto. Ako ay lubos na nasaktan sa limitasyon ng inyong kampanya.

 

Makalipas ang isang araw, nagtungo ang buong pamilya sa isang grocery para hanapin an aming pangalan sa mga coke bottles.

 

Ang pamangkin kong si JEN and unang nakakita ng kanyang pangalan sa coke bottle, at mukhang libo-libo ang Jen na nasa estante… natawa na lamang ako kasi talaga namang napaka-common ng pangalan ng aking pamangkin. Naawa ako sa kanya. Parang isang bata na natuwa sa barya.

 

Sa patuloy naming paglilibot, isa-isa ng natatagpuan ng bawat myembro ng pamilya ang kanilang mga coke bottles. Sinundan ito ng aking anak na si FRANCIS at ang hindi ko masyadong bet nyang girlfiend na si VICKY. Masaya si VICKY, ngunit hindi bakas sa kanyang itsura dahil sa botox. At sa kabila naman ng Malabo nyang mata, natangpuan parin ni Lola GIRLIE ang kanyang coke bottle, niyakap nya ito ng mahigpit gaya ng pagyakap nya sakin tuwing inaatake sya sa puso.

 

Kasunod nito ang natagpuan ni Tita RAQUEL ang kanyang coke bottle, pinilit nya ito kahit RACQUEL naman talaga ang tunay na ispelling ng kanyang pangalan. Ang aming kasambahay din na si GEMMA ay nakatagpo ng coke bottle na nakaimprenta ang kanyang pangalan. Pero bumale sya sakin para mabayaran ito.. binigyan ko na lamang siya ng 10% na interes kada araw na hindi nya ito mabayaran para makatulong naman sa kanya… di alintana ang interes, sumangayon na lamang siya bakas ang galak na makita ang pangalan sa coke bottle.

 

Tanging kami na lamang ni Tiyo TATA ang walang coke bottle, nalibot na naming ang buong grocery ngunit hindi naming nakita. Sabi ko, napakaliit naman talaga ng Supermarket sa Megamall at madalas naman talagang kulang ang paninda, kaya kami ay nagtungo sa MOA para sigurado. Pilit kong nilalabanan ang kaba at takot na baka hindi ko mahanap ang aking coke bottle. Pero inisip ko ang kalagayan ng pangalan ng aking Tiyuhin, inisip ko ang posebilidad na maisama ang pangalang TATA sa kanpanya ng coke. Lumakas ang loob ko, hindi ko man mahanap ang para saakin, siguradong may karamay ako.

 

Kami ay nakarating ng MOA, mainit, matraffic at walang maparkingan… kahit dehydrated na ang lahat, walang ni isa ang nangahas na uminom ng kanilang Coke. Lahat sila at nakatitig lamang dito na para bang figurine ang kanilang binili. Sobrang uminit ang ulo ko ng Makita ko si VICKY na nagselfie kasama ang kanyang coke bottle… malinaw ang usapan na ako ang dapat mauunang gumawa noon, para masiguro ang maraming likes. Kinumpiska ko ang kanilang mga cellphone.

 

Ibinaling ko ang inggit ang galit upang mas mabilis kong mahanap ang aking coke bottle… napakalawak ng supermarket ng MOA, at nabigyan ako ng pagasa. Agad agad kaming nagtungo sa Beverage Section… at sinimulan ang paghahanap. Humingi ako ng tulong sa lahat na hanapin ang aking pangalan. Kahit malamig sa looob ng supermarket ay pinagpawisan ako ng matindi ng marinig kong sumigaw si Tiyo Tata, ako ay nanlumo, inisip nab aka nahanap na niya ang kanyang coke bottle. Yun pala ay nadapa siya, sa pagmamadali na maunahan ako sa paghahanap, natisod siya sa baston ni Lola GIRLIE.

 

Kami ay nagpatuloy sa paghahanap, hanggang nasilaw ako sa kinang ng mata ni Tiyo Tata ng mahanp nya ang kanyang Coke Bottle. “Naaaakkkkkiiiiiiitttttaaaaa kkkkkkkooooooo nnnnnaaaa”, parang slo-mo ang lahat.

 

Niyakap ako ni FRANCIS at ako ay naluha, at upang mapabilis ang paghahanap, itinanong ni FRANCIS ang isang sales lady kung meron siyang napansin na coke bottle dala ang aking pangalan. Natatawa nyang sinabi na… “Naku po, wala nun…. Imposibleng meron nun”.

 

Ang mga susunod na tagpo ay sa Pasay Police Station, dumating si Francis para ako ay pyansahan. Galing sya sa hospital kung saan naroroon ang sales lady.

 

Ito ang aking istorya, sana ay mabigyang hustisya.

 

Nagmamahal,

PEPSI PALOMA

Screen Shot 2014-07-25 at 4.32.07 PM

 

 

Screen Shot 2014-07-25 at 4.34.48 PM

*PEPSI HERRERA likes this post.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s