USAPANG PANGALAN: ANG AYAW NA PALAYAW (PART 2)

Ikalawang yugto ng USAPANG PANGALAN.

Upang makarelate ng husto, I suggest you read the first part by clicking HERE. (hehe)

Ngayon ay tatalakayin natin ay ang mysteryo ng ating mga pangalan, dahil sa likod ng isang magandang pangalan, nagtatago ang isang mabaho at mabantot na PALAYAW.

Palayaw or in English “Nickname”. How relevant it is today? VERY RELEVANT! Siguro naman ay napansin nyo na ang mga forms nowadays, for unknown reasons may space na talaga for “Nickname”. Sa dami ng dokumento na na-FILL OUT ko, wala sa mga iyon ang naglalaman ng katotohanan patungkol sa aking palayaw. I really want to question the inclusion of this particular entry sa mga forms, kung bakit siya kailangan malaman ng SSS ng PHIL HEALTH ng LTO ng CREDIT CARD at ng kung ano ano pa. Gusto ko nga ito i-suggest kay Sen. Sotto kasi baka patulan niya ang pagsasabatas nito. Instead of grinding the topic of plagiarism and battling with all the bloggers in the world, bakit hindi nalang niya pagtuunan ng pansin ang isang problemang yumayanig at nagbibigay takot sa nakararami “NO TO NICKNAME ON FORMS”.

Kadalasan, ganto ang nilalaman ng forms ko.

Nickname: ­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­_______________________

Nickname:  N/A___

Nickname:  Sure ka, gusto mong malaman?

Nickname:  Wala kang pakeelam!

Pero kapag required field siya

*Nickname:_SHERWIN_   (real name nalang) Korny no?

Ganyan po ako kadesperado. Ganyan po kapangit ang Palayaw ko.

Most of my close friends know this, alam lang nila, very few ang  may alam ng real history. In this edition, I will break my silence (Sikat!). Ang aking palayaw ay hinugot sa walang kabuluhang bagay. Ang pangalan ko ay SHERWIN at ang aking palayaw ay “ATOY”.

Hindi po ito kinuha sa pangalan ng Basketball Player at lalong hindi sa isang sikat na Car Shop, gaya ng sabi ko, ito ay hinugot sa isang walang kakwenta-kwentang pangyayari.

The Revelation: Ang Istorya

1 year old baby palang daw ako nun, at nabansagan nadin akong SHERWIN. One day, mama was baby talking me.

Mama: Achhooooy Achoooy Achooy Achoooy!

Napadaan ang Kuya

Kuya: Bakit hind kaya ATOY nalang name nya.

THE END.

Sana ay naibigan nyo ang story ng aking palayaw.

I really think, NICKNAME in general, especially in the Philippines, is CRAZY! Marami na akong story na narinig regarding palayaw. If I were to asses, parang pang amateur lang ang story ko.

Sa ankan ng bawat pamilyang Pilipino, siguro ay 9 out of 10 families ay may tita o lola na ang  palayaw ay “BABY”. Kahit masagwang pakinggan na 78 years old na siya, kulubot na ang balat ay Tita Baby parin ang tawag natin. Gaya ng Baby, siguro ay halos lahat saatin ay may tito o lolo na ang palayaw ay “Boy”. Minsan hindi ko alam bakit ibinibigay na palayaw ang BOY sa anak na lalaki, so redundant! Siguro ito ay ibinibigay ng mga magulang na takot mapabilang ang anak nila sa third sex, it serves as a reminder na “BOY” ka! Bawal maging GIRL!

Speaking of redundancy, proven na mahilig tayo jan! Hilig din natin and palayaw na inuulit, gaya ng mga sumusunod: don-don, jep-jep, mac-mac, jon-jon, bong-bong, kring-kring, krung-krung at marami pang iba. Not to mention na ang mga intimate body parts natin,  redundant din ang palayaw 🙂

Pero, may nagagawang maganda rin naman ang Nicknames! Ang mga nagbebenifit nito ay ang mga batang pinarusahan ng mga magulang na nagbigay sa kanila ng mahabang pangalan. Ngayon, parang minimum na talaga ang dalawang pangalan, isang magandang halimbawa ay si Maria Regina Christina Jenny Gail Manio Pili, sa tulong ng nickname, friends can call her REG.

May mga pagkakataon din naman na may pakinabang ang may higit sa isang pangalan. Ang aking kaibigan ay may Jolina sa pangalan, nuong siya ay pinanganak, maganda ang  reputasyon ng pangalang Jolina na isang sikat na Super Model. Hanggang dumating sa Philippine showbiz si Jolina Magdangal, lahat ata ng may pangalang Jolina ay pinutol na ang kaugnayan sa pangalan na iyan. Ang kagandahan sa aking kaibigang si Jolina ay may reserba pa siyang pangalan  na siyang ginagamit niya sa kasalukuyan at siya ring pinaghugutan niya ng kanyang palayaw.

Mayroon din tayong tinatawag na mga Bansag. Karaniwan, ito ay nagiging palayaw narin natin. Minsan ang bansag ay hango sa magaganda nating katangian, ngunit karaniwan ay based sa mga darker side ng ating pagkatao, o sa madaling salita, PINTAS na naging Palayaw.

Mayroon akong kaklase nuong Highschool, pumasok sa klase ng naka tsinelas sa kadahilanang may sugat siya sa paa. Ilang lingo rin nyang ginawa iyon dahil sa hindi gumaling-galing na sugat sa kanyang paa, so us friends are joking around and started to suspect  that  it was KETONG. So, from then on, we called him Ketong. He was cool with it, the gross real meaning of Ketong vanished, for us, it was just a silly nickname. Sometimes, when we call him, people starts starring at him in an awkward way. Like what I told you, he was cool with it, until such time na na-in-love at nanliligaw na siya. Napansin namin na hindi na siya okey sa bansag na iyon, so we all stopped. Pero hindi pala enough yun para sagutin siya ng nililigawan niya, it was never about the nickname after all. (LOLZ, Peace Greg!) 🙂

Meron din akong isang matalik na kabigan na Matalino, pero kapansin pansin din ang sisidlan. Kwento nga nya, minsan ng na-stuck ang ulo nya sa isang Helmet. Matapos niya itong isuot, ay nahirapan siyang tanggalin ito. Isa pang incident ay ang pasadya niyang graduation cap dahil walang magkasya sa kanya. Dahil dito, there was a time in his life na ang palayaw niya ay “Ulo”. Infairness, proportion na siya ngayon dahil pati katawan niya ay malaki narin. 🙂 (Peace dude) *apir!

IKAW, ANONG ISTORYA SA LIKOD NG PALAYAW MO?

I  am on Twitter @BLOGfunanimous

Like me on Facebook: facebook.com/MrFunanimous

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s