USAPANG PANGALAN: The S-Factor (Part 1)

Paborito ko ang titik “S”, dahil ako ay  kabilang sa  pamilyang ”S”. Mula sa tatay ko hanggang saakin na bunso ng pamilya, lahat ng pangalan namin ay nagsisimula sa letter “S”. I therefore conclude na ang pamilya namin ay mahilig sa “S”. Ma-S kami! (Wag kang bastos please, seryoso ako)

Samuel ang pangalan ng papa ko, Salvacion naman ang mama ko. Siguro, dahil sa nagkataon or should I say destined & significant ang “S” for the both of them, they’ve  decided na ipagpatuloy hanggang  sa supling. Good job ang parents ko sa konsepto na yan! Very Creative!

Dahil sa sabik na sabik ang  pamilya ko sa “S” hindi lang normal na Sandra ang ipinangalan sa panganay namin (ang ate ko), dinalawa pa nila, kaya siya ay binansagang Susandra. Overflowing pa sa creativity ang parents ko sa mga panahon na yan. Medjo tumamlay na sa mga sumunod. Ang kuya ko ay Jr., siguro naman eh alam nyo na pangalan niya.. hindi po Salvacion, syempre Samuel din. Ok naman ang Samuel, very biblical nga eh pero yung konsepto na may kapareha ka, di yun orig, baduy! Kung matamlay na ang creativity ng parents ko sa part na ito at nagagawa ng umulit ng pangalan, isipin nyo nalang  kung ano ang pangalan ko. After 5 years ay dumating ako sa mundong ibabaw, at syempre “S” din ang pangalan ko.. walang iba kundi ESPRIT! Joke lang dahil Sherwin ang pangalan ko.

SHERWIN – Ayoko ng pangalan ko, feeling ko boring at very ordinary, sobrang layo sa personality ko mga brad. Lolz! Okey naman sya, pakiramdam ko lang eh hindi talaga pinagisipan. Tinanong ko na ang parents ko dito, pero naghugas kamay sila at itinuturo ang pinsan kong si Melanie na salarin at syang nagpangalan sakin. Lalong sumama ang loob ko dahil ipinaubaya pa pala sa iba ang pagpapangalan sakin. Marami namang ibang  “S” na panagalan diba? Bakit pakiramdam ko parang naubusan na? I think maganda ang “Steven” , “Sean”, “Shawn”, “Stanley”.. pucha ang dami, di ko maintindihan bakit Sherwin. Sana nga SEX nalang pinangalan sakin o kaya STYROFOAM, baka mas natuwa pa ako (uy.. mom & dad, joke lang po). Ni wala nga akong maisip na sikat na  Sherwin ang pangalan, local man or International. Hmmm…. Sherwin Ordonez? Bukod sa local na, ni hindi na nga yon sikat ngayon, pero siya lang talaga naiisip ko (pero alam kong magsimpogi naman kami). O baka naman ako  talaga ang magtatayo ng bandera ng mga Sherwin. Ako ang destined sumikat! O ha! Baka 5 years from now tatama ako sa lotto o di naman kaya ay maguuwi ng gold medal sa Olympics or magwawagi ng best blog in the Philippines sa susunod na Philippine Blog Awards. PWEDE!

Pero sa totoo nyan, nagpapasalamat narin ako, I think, mas pinagisipan naman ang pangalan ko kaysa sa pangalang “Mark” o “John”. Ang pangalan na iyan, kahit anong date ng newspaper, makikita mo siyang nakaimprenta. Maaring business man, politico, reporter, writer, artista, rapist, na-rape o kaya sa obituaryo. Okey na talaga ako sa Sherwin. Apir!

Pero ang realization ko dito, it is really not the name that defines us, kaya hindi ko pinili maging boring kahit my name sounds boring. Pero, minsan ang pangalan ay nagiiwan ng marka.. at kasikatan ang basehan. Di ba, kapag nakadinig ka ng pangalang “Gloria” ngayon, iisipin mo ay corrupt at magnanakaw?! Isa pang halimbawa, hindi mo papangalanang Angelina ang  anak mo kung siya ay  singawin  at choppy ang mga labi, dahil si Angelina Jollie ang siyang pumapasan ng pangalang  Angelina, at lips ang pinaka asset nya. Tama ba ako? Ako, I am proud to say sa lahat ng Sherwin sa mundo, nagiging responsible ako sa pangalan natin. Utang natin sa isa’t-isa yan bilang magkakatukayo.

Kayo, trip nyo ba ang pangalan niyo?

Ayan, binanatan ko na ang pangalan ng buong pamilya ko. Mga pangalan nyo naman ang isusunod ko, dahil hindi dito nagtatapos ang “Usapang Pangalan”. Sa likod ng tunay na pangalan ay isang mabahong PALAYAW (nickname).

 

I am on twitter @BLOGfunanimous

Advertisements

3 thoughts on “USAPANG PANGALAN: The S-Factor (Part 1)

  1. For your information, Sherwin is a Middle English origin and the meaning is bright friend. You were previously named as Sonny but I just thought it sounded like you father’s name so I suggested Sherwin. Now which one is better? Sonny or Sherwin.

    • Ate Lanie,

      Thanks for enlightening me. Naappreciate ko na siya.. thanks for saving me from being named “Sonny”… actaully, okey naman talaga yung Sherwin eh. Alam ko nga “Bright GOODLOOKING Friend” and full meaning nun eh. lolz.

      Uy… yung Sonny, di mo yan nakwento sakin ah. Yung “Sherwin William” naman ang side of story in Auntie. ahahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s